SAANGANDAAN

  wALAnG  komplikasyon

   ang buhay mo noon:

   kalooban moy panatag

   kalangitan ay maliwanag

   ang daan ay tuwid at patag

   sa buhay mo noon.

   Ngunit bawat pusong naglalakbay,

   dumarating sa sangandaan:

   Ngayong narito ka,

   kailangang magpasya.

   Aling landas ang susundin ng puso?

   Saan ka liligaya,  saan mabibigo?

   Saan ka tutungo?

 

   Kay daling  sumunod

   sa hangin at agos:

   Aasa  ka na ang dalangin,

   gagabay sa’yong  damdamin.

   Ngunit saan ka dadalhin

   Ng hangin at agos?

   Alam mong bawat pusong nagmamahal,

   dumarating sa sangandaan:

   Ngayon narito ka ,

   kailangang magpasya.

   Aling landas ang susundin ng puso?

   Saan ka liligaya, saan mabibigo?

   Saan ka tutungo?

One Response to “SAANGANDAAN”

  1. ann Says:

    testi mo sakin saangdaan blog mo.pls..like ko sya

Leave a Reply