SAANGANDAAN
Thursday, December 8th, 2005wALAnG komplikasyon
ang buhay mo noon:
kalooban moy panatag
kalangitan ay maliwanag
ang daan ay tuwid at patag
sa buhay mo noon.
Ngunit bawat pusong naglalakbay,
dumarating sa sangandaan:
Ngayong narito ka,
kailangang magpasya.
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya, saan mabibigo?
Saan ka tutungo?
Kay daling sumunod
sa hangin at agos:
Aasa ka na ang dalangin,
gagabay sa’yong damdamin.
Ngunit saan ka dadalhin
Ng hangin at agos?
Alam mong bawat pusong nagmamahal,
dumarating sa sangandaan:
Ngayon narito ka ,
kailangang magpasya.
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya, saan mabibigo?
Saan ka tutungo?